^

PSN Palaro

Bulanadi hinirang na NCAA Player of the Week

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umalagwa ang San Sebastian Stags ng five-game winning streak sa tu­long ni Allyn Bulanadi ka­ya umangat ang Recto-based team solo third spot sa kanilang 7-3 kartada sa li­kuran ng San Beda (11-0) at Lyceum (8-3) sa um­pisa ng second round ng Sea­son 95 NCAA men’s bas­ketball tournament.

Nagpasiklab ng career-high na 32 points si Bulana­di sa 83-67 panalo ng Stags kontra sa St. Benilde Bla­zers noong Huwebes pa­ra masungkit ang pang-li­mang sunod na panalo.

Binura ng 6-foot-2 forward ang kanyang dating 31 markers sa panalo ng SSC-R laban sa Perpetual Help Altas, 107-90, noong Agosto 23.

Sa kanyang ipinakitang matikas na laro ay napili si Bulanadi bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Naungusan ni Bulanadi sina Noah Lugo ng Mapua, Do­nald Tankoua ng San Be­da at Reymar Caduyac ng Lyceum para sa linggu­hang parangal.

“Sa akin lang, nagpapa­salamat ako kay coach Egay (Macaraya) at sa coa­ching staff dahil sa su­por­ta nila hindi lang sa akin kundi sa aming lahat. Kai­la­ngan ko lang gampanan ‘yung role ko. Iyong trust na ibinigay nila sa akin, kaila­ngan ko lang suklian para rin sa kanila at para sa Baste,” sabi ni Bulanadi.

Ito na ang huling taon ni Bulanadi sa NCAA kaya hangad niyang ibigay ang kampeonato para sa San Se­bastian bago siya tu­mun­tong sa ibang liga.

“Iyong individual award, laging pangalawa lang iyan. Iyong goal talaga para sa amin is ‘yung championship,” pahayag ng gra­duating student.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with