Poland, Argentina swak sa quarterfinals
FOSHAN, China -- Ginulat ng No. 25 Poland ang Russia, 79-74 para umabante sa quarterfinals habang giniba ng Argentina ang Venezuela, 87-67 tampok ang 25 at 15 points nina Gabriel Deck at Luis Scola, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang unang World Cup quarterfinals ng Argentina matapos masibak noong 2014.
Binanderahan ni Michael Carrera ang Venezuela mula sa kanyang 19 points.
Parehong may 4-0 re-cord ang Poland at Argentina patungo sa round-of-eight.
Tumipa si Adam Waczynski ng 18 points kasunod ang 14 markers ni Mateusz Ponitka para sa Poland, huling naglaro sa FIBA World Cup noong 1967.
“It’s a great feeling but we don’t want to stop,” sabi ni Poland guard Lukasz Koszarek.
Umabante rin sa quarterfinals ang Serbia at Spain.
Sa Wuhan, binugbog ng Serbia ang Puerto Rico, 90-47 at tinalo ng Spain ang Italy, 67-60.
Umiskor si Nemanja Bjelica ng 18 points kasunod ang 16 at 14 markers nina Boban Marjanovic at Nikola Jokic, ayon sa pagkakasunod, para sa No. 4 Serbia.
Pinangunahan ni David Huertas ang Puerto Rico mula sa kanyang 11 points.
Nagtala naman si Juan Hernangomez ng 16 points para sa panalo ng Spain laban sa Italy.
- Latest