^

PSN Palaro

PLDT hiniya ang F2 Logistics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PLDT hiniya ang F2 Logistics
Dinepensahan nina Majoy Baron at Dess Cheng ng F2 Logistics si Grethcel Soltones ng PLDT.
PSL Image

MANILA, Philippines — Ginulantang ng PLDT Home Fibr ang F2 Logistics sa bendisyon ng makapigil-hiningang 25-21, 26-28, 15-25, 25-19, 15-11 desis­yon upang masungkit ang ikaanim na panalo sa 2019 Philippine Superliga All-Fi­lipino Conference kahapon sa Corpus Christi Gym sa Cagayan de Oro City.

Sumandal ang Power Hitters sa matikas na laro nina three-time NCAA  MVP Grethcel Soltones na siyang kumana ng game-winning hit at Jerrili Malabanan na umiskor ng tatlo sa huling limang puntos ng kanilang tropa.

Magarbong tinapos ng PLDT ang eliminasyon ta­ngan ang 6-8 baraha na madadala nito sa pagpasok ng knockout quarterfinals sa susunod na linggo.

Tabla ang laro sa 1-1 kung saan bahagyang angat ang Cargo Movers sa third set, 8-7 nang itigil ang laro dahil sa matinding init sa venue.

Nagpasya ang or­ga­­­ni­ser na ihinto muna ang laro upang bigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro gayundin ang mga coaches at officials na makarekober sa tindi ng init ng venue.

Mismong si Power Hitters head coach Roger Gorayeb ang bahagyang naapektuhan ng maalinsangang panahon dahil sa hindi gumaganang airconditioning.

Pinalabas ng playing court ang mga players at coaches.

Nagpatuloy ang laro matapos ang mahigit isang oras.

Ito ang ikalawang dikit na kabiguan ng F2 Logistics para mahulog sa 11-2 rekord.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PLDT HOME FIBR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with