^

PSN Palaro

Petrogazz, Creamline magkakasubukan uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling maghaharap ang reigning champion Creamline Cool Sma­shers at nangungunang PetroGazz Angels sa inaabangang rematch sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang Cool Smashers at Gazz Angels sa alas-4 ng hapon.

Hangad ng Cool Sma­shers na makabawi sa 22-25, 24-26, 22-25 kabiguang tinamo nito sa Gazz Angels sa kanilang unang pagta­tagpo sa first round.

Kaya naman inaasahang dadanak ang ma­tinding aksiyon sa oras na magkrus ang landas ng Creamline at PetroGazz

Matapos magtamo ng unang kabiguan, anim na sunod na panalo ang naikonekta ng Cool Smashers para kapitan ang No. 2 spot na nagbigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa semis.

Galing ang Creamline sa matikas na pagpa­pa­bag­sak sa Motolite noong Miyerkules kung saan umariba ng husto sina imports Kuttika Kaewpin at Aleoscar Blanco gayundin si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez.

Kumana sina Kaewpin at Blanco ng tig-13 puntos sa naturang laro habang may 10 hits at 12 digs si Valdez para suportahan ang kanilang imports.

“We’re just really happy that we are really jelling and our chemistry as a team is back,” ani Valdez.

Ngunit daraan sa ma­tinding pagsubok ang Cool Smashers dahil namama­yagpag ang Gazz Angels hawak ang imakuladang 7-0 baraha.

vuukle comment

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

CREAMLINE COOL SMA­SHERS

PETROGAZZ ANGELS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with