^

PSN Palaro

Helterbrand itinakas ang Imus Bandera sa OT

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagpasiklab si Jayjay Helterbrand ng 14 puntos upang iangat ang Imus Bandera sa 78-75 overtime panalo kontra sa Caloocan Supremos sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup noong Huwebes ng gabi sa Caloocan City Sports Complex.

Umani pa ang dating six-time PBA champion at PBA MVP na si Helterbrand ng walong rebounds,  walong assists, dalawang steals at isang block para sa magandang umpisa mula sa semi-retirement noong 2015.

Bukod sa 42-anyos na si Helterbrand, tumapos din ang dating pro na si James Martinez ng 26 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists at isang steal habang ang TV at movie actor na si Gerald Anderson ay tumulong ng pitong puntos, isang rebound at isang assist para makisosyo ang Bandera sa liderato kasama ang Davao Occidental Tigers at Basilan Steel sa Southern Division.

Sa iba pang laro, nag­wagi ang Pampanga Lanterns laban sa Ge­neral Santos Warriors, 94-85 upang itala ang unang pa­nalo sa Northern Division.

Umiskor si Mike Juico ng 21 puntos, limang rebounds at tatlong assists para sa Pampanga.

Pinangunahan ng Fil-Am na si Mike Williams ang Warriors sa kanyang 27 puntos bukod pa ang sampung rebounds at limang assists.

vuukle comment

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

CALOOCAN SUPREMOS

JAYJAY HELTERBRAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with