Warriors pinitpit ang Thunder
OKLAHOMA CITY-- Pumukol si Stephen Curry ng 33 points para akayin ang Golden State Warriors sa 110-88 paggupo sa Thunder bagama't hindi naglaro si Kevin Durant.
Nagdagdag si Klay Thompson ng 23 points habang humakot si center DeMarcus Cousins ng 12 points, 8 rebounds at 6 assists para sa Golden State.
Umasa ang mga Oklahoma City fans na makakantiyawan si Durant, ang dating Thunder star, ngunit ang NBA No. 4 scorer ay may sprained right ankle.
Humataw si Paul George ng 29 points at 13 rebounds habang may 15 markers si Dennis Schroder sa panig ng Oklahoma City.
Nalimitahan naman si Russell Westbrook sa 7 points mula sa mahinang 2-for-16 fieldgoal shooting at naimintis ang lahat ng pito niyang 3-point attempts.
Sa Denver, isinalpak ni Paul Millsap ang isang left-handed layup sa huling pitong segundo at umiskor si Nikola Jokic ng 26 points bago nasibak sa fourth quarter para pamunuan ang Nuggets sa 102-100 pagtakas sa Indiana Pacers.
Nanatili ang Denver sa No. 2 spot sa ilalim ng Golden State.
- Latest