LA Tenorio bagong Iron Man ng PBA
MANILA, Philippines — Noong Linggo ay hinirang si Barangay Ginebra veteran guard LA Tenorio bilang pinakabagong ‘Iron Man’ ng Philippine Basketball Association.
Dinuplikahan ni Tenorio ang itinalang 596 sunod na laro ni PBA four-time Most Valuable Player Alvin Patrimonio.
Tumapos si Tenorio na may 23 points, 8 rebounds, 5 assists at 3 steals para tulungan ang Gin Kings na pabagsakin ang Phoenix Fuel Masters 100-97 at patibayin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round.
“I always thank the Lord everyday. Whatever happens, win or lose, as long as we’re all safe, I always pray na ganoon ang magiging result,” sabi ng 35-anyos na tubong Nasugbu, Batangas.
“Parang nasuklian ‘yung all the hardwork, discipline and sacrifices na ginawa ko, nagbubunga,” dagdag pa ng produkto ng Ateneo Blue Eagle sa UAAP.
Nakatakdang basagin ni Tenorio ang kanilang pagkakatabla ni Patrimonio sa pagsagupa ng Ginebra laban sa Magnolia sa Linggo para sa ika-597 sunod na laro ng 5-foot-9 playmaker.
- Latest