^

PSN Palaro

30th SEAG budget tinapyasan ng Senado

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
30th SEAG budget tinapyasan ng Senado
Ang hindi lamang napaghandaan ng komite ay ang ginawang pagbawas ng Senado sa gagamiting P7.5 bilyon.

MANILA, Philippines — Nasa tamang iskedyul ang Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ang hindi lamang napaghandaan ng komite ay ang ginawang pagbawas ng Senado sa gagamiting P7.5 bilyon.

“The preparations are on schedule, ang major challenge lang talaga namin ngayon is ‘yung pagbabawas ng 33 percent ng Senado sa (SEA Games) budget,” wika kahapon ni (PHISGOC) chairman Alan Peter Cayetano kasabay ng pagpirma ng anim na kumpanya para sa partnership agreement sa Kalayaan Hall sa SM Aura sa Taguig City.

Ang mga grupong susuporta sa PHISGOC ay ang Atos (official games management system provider) ng Spain), Philippine Airlines (official airline carrier), GL Events (integrated solutions at services provider) ng France, ang Thailand-based na Grand Sport (sports apparel company), Sonak Corporation (Official game ball at sporting equipments), Asics (official kits) ng Japan at ang Spain-based na MediaPro Asia (official media rights at sponsorships partner).

Dahil sa pagtapyas ng Senado sa 33 porsiyento ay lumiit sa P5 bilyon ang pondong gagamitin ng PHISGOC para sa pamamahala sa 2019 SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nakatakdang makipagpulong kahapon ang PHISGOC at ang Philippine Sports Commission sa ilang ahensya ng pamahalaan para sa naturang problema.

Mula sa Department of Foreign Affairs na dating pinamamahalaan ni Cayetano ay inilipat ng Senado sa PSC ang pondo ng 2019 SEA Games.

“Of course, we would like to be the champions, but unity is the heart and soul of the hosting,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Inihayag ng PHISGOC ang pag-apruba sa 56 sports para sa SEAG calendar.

Tatayong main hub ng 2019 SEA Games ang New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac  habang ang Clark cluster ang mamamahala sa 21 sports  habang ang Metro Manila cluster, tatayong secondary hub, ang pagdarausan ng 19 sports.

vuukle comment

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with