^

PSN Palaro

Painters ipipinta ang ika-5 sunod na panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang Rain or Shine na si­guro ang koponang may pi­nakamaraming laro simu­la noong Enero 26.

Ngunit walang reklamo si coach Caloy Garcia.

“We just have to make the best out of it,” wika ni Gar­cia. “We must stick to­gether as a team and we must continue playing hard.”

Target ang pang-limang sunod na panalo para patuloy na solohin ang liderato, lalabanan ng Elasto Pain­ters ang Magnolia Hotshots nga­yong alas-7 ng gabi ma­tapos ang labanan ng Alas­ka Aces at Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pa­say City.

Matapos yumukod sa Blackwater, 99-111, noong Ene­­ro 30 ay magkakasunod na binigo ng Rain or Shine ang nagdedepensang San Miguel, 108-98, Alas­ka, 85-72, NorthPort, 107-100, at Phoenix, 98-94, para angkinin ang so­long pamumuno sa torneo ha­wak ang 6-1 kar­tada.

Dahil dito ay nakatiyak na ang Elasto Painters ng ti­ket sa quarterfinal round.

Inaasahan namang ma­­giging determinado ang Hot­shots, naghari sa naka­raang 2018 PBA Governor's Cup, na makabangon mula sa 75-80 pagyukod sa TNT Katropang Texters at 92-113 kabiguan sa Beermen.

“Kailangan siguro, mag-start na kaming ibalik ulit ‘yung timing tsaka ‘yung rhythm namin. Kasi iyon ang kulang eh. Hindi kami makabuwelo ng dire-diretso,” sabi ni mentor Chito Victolero.

Sa unang laro, puntir­ya naman ng Aces ang ka­­nilang ikalawang sunod na panalo matapos daigiin ang Columbian Dyip, 94-72, habang nakatikim ang Elite ng 67-85 pagkatalo sa Ginebra Gin Kings noong Sabado sa Davao City.

Hindi naglaro sina inju­red starters Vic Manuel, JVee Casio, Simon Enciso at Kevin Racal sa unang da­lawang laban ng Alaska.

“Aminado naman ako na si Vic Manuel ang No. 1 option namin sa ilalim, ta­­pos may outside shooting pa. Tulungan lang kami, ‘yun lang ang sinasabi ni coach (Alex Compton) sa amin,” ani forward Jake Pas­cual na humakot ng 13 points at career-high 13 rebounds sa nasabing pa­nalo ng Aces kontra sa Dyip.

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with