^

PSN Palaro

Ginebra solo sa no. 3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra solo sa no. 3
Tangkang umiskor ni Japeth Aguilar ng Ginebra laban kay Joseph Eriobu ng Blackwater.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula lamang ng first period pumalag ang Blackwater bago tuluyang dominahin ng Barangay Ginebra.

Pinabagsak ng Gin Kings ang Elite, 85-67  para sa kanilang ikalawang sunod na panalo at solohin ang ikatlong puwesto sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Davao del Sur Coliseum sa Digos City.

Nagposte si local hero Scottie Thompson ng 16 points, 11 rebounds at  5 assists para sa tropa ni coach Tim Cone.

Itinaas ng Ginebra ang kanilang record sa 3-2 sa ilalim ng Phoenix (5-0) at Rain or Shine (5-1)  habang nalaglag ang baraha ng Blackwater sa 1-5.

Kumawala ang Gin Kings sa first quarter bitbit ang 10-point lead, 22-12 laban sa Elite hanggang palobohin ito sa 57-35 mula sa magkasunod na basket ni  Thompson at  three-point  shot ni 6-foot-8 Japeth Aguilar sa 6:30 minuto ng third period.

Itinayo ng Ginebra ang 24-point advantage, 77-53  sa 7:56 minuto ng final canto na hindi na napababa ng Blackwater.

Samantala, pupuntir­yahin ng Phoenix ang kanilang ikaanim na sunod na ratsada sa pagsagupa sa Rain or Shine nga­yong alas-4:30 ng hapon

kasunod ang pagtutuos ng nagdedepen­sang San Miguel at Magnolia sa alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Five-zero kami, 5-1 sila. Pero parang lamang sila because nakalaban na nila ang San Miguel and Barangay Ginebra,” sabi ni Fuel Masters coach Louie Alas sa Elasto Painters, may 5-1 baraha.

Sa ikalawang laro, target ng Beermen,  nagmula sa 93-79 panalo laban sa Elite,  ang kanilang ikala­wang dikit na panalo sa pakiki­pagkita sa

Hotshots, na­­ka­lasap ng 75-80 ka­­biguan sa TNT Katropang Texters.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with