^

PSN Palaro

Biado, De Luna abante sa KO stage

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Biado, De Luna abante sa KO stage

MANILA, Philippines — Kapwa naitala nina defending champion Carlo Biado at Jeffrey De Luna ang ikalawang panalo para makapasok sa knockout stage ng 2018 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Hindi nagpatumpik-tumpik si Biado nang pabagsakin nito si Sergey Lutsker ng Russia sa iskor na 9-5 sa Group 9 habang nagwagi naman si De Luna kay Radoslaw Babica ng Poland sa Group 2 sa bisa ng 9-6 desisyon.

Nanatili namang buhay ang pag-asa nina Roland Garcia, Johann Gonzales Chua at Marlon Manalo na nagrehistro ng magkakaibang panalo sa kani-kanilang losers’ bracket.

Tinalo ni Garcia si Ahmed Nizam Uddin ng Bangladesh (9-5) sa Group 3 habang nanaig si Chua kay Wojciech Szewczyk ng Poland (9-2) sa Group 4 at namayani si  Manalo kay Ali Abdulhadi ng Qatar (9-2) sa Group 10.

Nahulog naman sa lo­ser’ column si Jeffrey Ignacio na yumuko kay Mateusz Sniegocki ng Poland (5-9) sa Group 6.

Makakalaban ni Ignacio sa do-or-die game si Satoshi Kawabata ng Japan para sa tsansang makapasok sa main draw.

Hihirit din ng puwesto sa knockout stage sina Garcia laban kay Billy Thorpe ng Amerika, Chua laban kay Jeong Young Hwa ng South Korea at Manalo laban kay Casper Matikainen ng Finland.

Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon sina Israel Rota at Roberto Brillantes na kapwa lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan.

vuukle comment

CARLO BIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with