Ateneo winalis ang NU para sa juniors’ baseball crown
MANILA, Philippines — Humataw ang Ateneo ng 2-0 panalo kontra sa National University para angkinin ang korona ng UAAP Season 81 juniors baseball tournament kamakalawa sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Winalis ng Blue Eaglets ang kanilang best-of-three championship series nila ng Bullpups sa 2-0.
Hinirang si Ateneo pitcher Zach Urbina bilang Finals MVP.
Ang iba pang individual awardees ng Blue Eaglets ay sina first base Matthew San Juan (Most Runs Batted In), second base Dax Fabella (Most Home Runs) at center field Marcel Guzman (Most Stolen Bases).
Dalawang beses natalo ang Ateneo sa NU sa double-round eliminations.
Nauna nang inangkin ng Blue Eaglets ang Game One, 6-3.
Samantala, hinirang naman si Kiel Olazo ng Bullpups bilang season MVP bukod pa ang pagkopo sa Best Hitter at Best Slugger awards.
Ang teammate niyang si Rezel Esqulito ang binigyan ng Most Home Runs honors.
- Latest


















