^

PSN Palaro

Cargo Movers magpapakatatag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapagtibay ang kapit sa ikalawang puwesto ang tatangkain ng F2 Logistics sa pagharap nito sa Cignal sa PSL All-Filipino Confe­rence na muling darayo ngayong araw sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Masisilayan ang bakbakan ng Cargo Movers at HD Spikers sa alas-2 ng hapon habang aarangkada ang salpukan ng Foton at Smart sa alas-4:15 at ng Generika-Ayala at Cocolife sa alas-7 ng gabi.

Nasa No. 2 ang F2 Logistics tangan ang 6-2 baraha sa likod ng nangu­ngunang Petron na nanatiling malinis ang rekord sa siyam na asignatura kabilang ang pananaig sa Foton noong Martes.

Magkasosyo ang Foton at Generika-Ayala sa No. 3 hawak ang magkatulad na 5-3 marka.

Maganda ang inilalaro ng Cargo Movers dahil nariyan sina Cha Cruz, Aby Maraño, Kim Kianna Dy, Ara Galang at Majoy Baron para pamunuan ang opensa ng tropa kasama si playmaker Kim Fajardo.

Muling masusubukan ang tikas ng Cargo Movers sa pagharap nito sa HD Spikers na gigil na makabawi mula sa kanilang 21-25, 25-27, 25-22, 16-25 kabiguan sa Lifesavers noong Martes.

Alas ng Cignal si national team member My­lene Paat na isa sa mga top scorers ng kanilang tropa. (CCo)

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PSL ALL-FILIPINO CONFE­RENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with