^

PSN Palaro

Josh Reyes sinibak na rin sa Batang Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Josh Reyes sinibak na rin sa Batang Gilas
Sa pagkakataong ito, sinibak si Josh Reyes bilang head coach ng Batang Gilas ayon sa mga ulat.

MANILA, Philippines — Tuloy ang rigodon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Sa pagkakataong ito, sinibak si Josh Reyes bilang head coach ng Batang Gilas ayon sa mga ulat.

Nais ng SBP na kumuha ng bagong mentor upang tulungan ang national youth team sa paghahanda nito sa FIBA Under-19 World Cup na idaraos sa Heraklion, Greece sa Hunyo ng susunod na taon gayundin sa 2019 Under-16 Asian Championship.

Nakasama si Reyes sa coaching staff ng Batang Gilas na sumabak sa FIBA Under-16 Asian Cham­pionship at FIBA Under-17 World Cup ngayong taon.

Itinalaga itong head coach ng Batang Gilas na sumalang sa 2018 FIBA Under-18 Asian Cham­pionship kamakailan.

Wala pang linaw kung sino ang hahalili sa puwesto ni Reyes na anak ni dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

Pinalitan ni Yeng Guiao sa Gilas Pilipinas si Chot na nagpasyang magbitiw bilang head coach.

Wala na rin si Josh sa coaching staff ng TNT  na nag­lalaro sa PBA Governors’ Cup sa kasalukuyan. 

vuukle comment

JOSH REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with