^

PSN Palaro

Lions tinambakan ang Heavy Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lions tinambakan ang Heavy Bombers
Hinarang ni MJ Dela Virgen ng JRU si Robert Bolick ng San Beda sa NCAA.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Mabangis ang nagdedepensang San Beda University nang ilampaso nito ang Jose Rizal University, 77-40 upang magarbong tapusin ang first round ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagbida sa pagkakataong ito si Calvin Oftana na nagrehistro ng career-high 16 points para manduhan ang Red Lions na kubrahin ang ikawalong panalo sa siyam na laro at mapatatag ang kapit sa No. 2 spot.

Sumuporta naman ang beteranong sina AC Soberano at Javee Mocon na may pinagsamang 19 markers habang nagkasya sa apat na puntos si Robert Bolick matapos ang kanyang eksplosibong 50-point game sa kanilang huling laro.

Walang pumutok sa Heavy Bombers kung saan nalimitahan sa siyam na puntos si Karl Bordon habang pito lamang angnagawa ni Jed Mendoza.

Bagsak sa 2-7 ang JRU.

Sa unang laro, nakabangon ang Arellano University sa 17 puntos na pagkakabaon sa ikalawang kanto bago iselyo ang 76-72 come-from-behind win kontra sa University of Perpetual Help System Dalta.

Laglag sa 17-34 butas, nabuhayan ng loob ang Chiefs para makabalik sa porma at maisulong ang 70-all sa huling kanto na siyang naging simula para tuluyang palugmukin ang Altas.

Umangat ang Chiefs sa 4-5 para okupahan ang ikaanim na puwesto.

Ito ang nagsilbing pampalubag-loob ng Arellano matapos lumasap ng 79-98 demolisyon sa kamay ng San Beda.

 Nanguna para sa Chiefs sina Kraniel Villoria na may 15 points at  Maui Sera Josef na umani ng  14 markers.

Bigong sumulong sa Top 4 ang Altas na nanatili sa No. 5 hawak ang 5-4 marka.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with