^

PSN Palaro

Lady Maroons natakasan ang Lady Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Maroons natakasan ang Lady Blazers
Nasandalan ng Lady Maroons si outside hitter Isa Molde na siyang humataw ng huling apat na puntos kabilang ang game-winning ace para masiguro ng UP ang ikatlong panalo (3-2) at manatiling pasok sa Magic 4.
Miguel De Guzman/File

Laro sa Sabado (The Arena)

9am NU vs ADU (M)

11am FEU vs SBU (M)

2pm UST vs ADU (W)

4pm FEU vs UP (W)

6pm CSB vs DLSU (M)

MANILA, Philippines — Naharang ng University of the Philippines ang mainit na kamada ng College of Saint Benilde para itakas ang 26-24, 27-25, 29-27 panalo upang mapatatag ang kapit sa No. 4 spot sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nasandalan ng Lady Maroons si outside hitter Isa Molde na siyang humataw ng huling apat na puntos kabilang ang game-winning ace para masiguro ng UP ang ikatlong panalo (3-2) at manatiling pasok sa Magic 4.

Nakabaon sa 17-22, sinubukang pumalag ng Benilde sa third set nang magpakawala ito ng 6-0 run para makuha ang kalamangan, 23-22.

Nagpalitan ng puntos ang UP at Benilde para magtabla sa 27-all.

Agad na sumaklolo si Molde nang kumana ito ng cross-court hit kasunod ang umaatikabong ace para makuha ng Lady Maroons ang panalo.

Sa men’s division, sinorpresa ng De La Salle University ang reigning UAAP champion National University matapos itarak ang  27-25, 27-25, 17-25, 25-17 desisyon.

Nagtala si Wayne Marco ng 32 excellent sets na pangunahing dahilan para makalikom si skipper Cris Domago ng 17 puntos para sa Green Spikers na umangat sa 2-4 baraha.

Wagi rin ang University of the Philippines sa College of Saint Benilde, 25-21, 25-20, 25-23 para sumulong sa 4-2.

Laglag sa 3-3 ang Blazers.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with