^

PSN Palaro

Pocari magpapalakas ng tsansa sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng Pocari Sweat-Air Force na makuha ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Iriga-Navy sa quarterfinal round ng Premier Volleyball League Re­inforced Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakdang engkuwentro ng Lady Warriors at Lady Oragons ngayong alas-6 ng gabi, habang lalarga ang paluan ng Petro Gazz at Tacloban sa alas-4.

Nasa unahan ng standings ang Pocari, BaliPure at BanKo tangan ang pare-parehong 1-0 marka, samantalang nakatali sa No. 4 ang Petro Gazz, Iriga-Navy at Tacloban bitbit ang magkakatulad na 0-1 baraha.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan sa quarterfinals ang papasok sa semis para samahan ang Creamline at PayMaya.

Galing ang Lady Warriors sa 18-25, 25-20, 26-24, 25-21 panalo laban sa Gazz Angels kung saan umariba nang husto sina American imports Arielle Love at Ma­deline Palmer at dating MVP Myla Pablo.

Humataw sina Love, Palmer at Pablo ng pi­nagsama-samang 56 puntos para pamunuan ang nasabing atake ng Lady Warriors.

Tinalo na ng Lady Warriors ang Lady Oragons sa first round ng eliminasyon, 25-8, 23-25, 25-18, 25-16.

Ngunit alam ng Pocari-Air Force na ibang usapan na ang quarterfinals dahil ilalabas na ng bawat tropa ang kanilang alas para makahirit ng tiket sa semis.

Papalo para sa Lady Oragons sina Macy Ubben at Lauren Whyte, subalit kailangan ng dalawa ng tulong mu­la kina Grazielle Bombita, Divine Aguia, Janet Serafica at Hezzymie Acuña.

Nasayang ang 32 puntos ni Ubben at 23 produksyon ni Whyte matapos matalo sa Water Defenders sa ka­nilang huling laro.

Sa kabilang banda, tiwala naman ang Petro Gazz na makakabawi sila sa Tacloban dahil nariyan sina Ukrainian imports Olena Lymareva-Flink at Anastasiia Trach.

Sa men’s division, magtutuos ang Air Force (2-3) at Philippine Army (1-4) sa ala-1 ng hapon.

vuukle comment

POCARI SWEAT-AIR FORCE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE RE­INFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with