^

PSN Palaro

2 ginto kay Martes; Pamintuan, La Torre naka-4 na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines — Itinakbo ni two-time Southeast Asian Games queen Christabel Martes ng Baguio City ang kanyang ikalawang gintong medalya habang kinolekta ng dalawang batang swimmers ang kanilang ikaapat na gold sa swimming event ng 2018 Philippine National Games kahapon dito.

Nagposte ang 38-an­yos na si Martes ng oras na 19:33.62 para sikwatin ang gold medal sa women’s 5,000-meter run at isunod sa nauna niyang pagrereyna sa 10,000 run (40:11.05).

“Hindi ko naman expected na makakadalawa (gold medal) ako kasi mas mababa ang time ko nga­yon compared to last year sa National Open,” ani Martes, ang gold medalist noong 2001 at  2005 SEAG.

Nilangoy naman nina Nicole Meah Pamintuan ng Sta. Rosa, Laguna at Camilo Owen La Torre ng General Santos City ang kani-kanilang ikaapat na gintong medalya sa swimming event.

Nagtala ang 18-an­yos na si Pamintuan ng bilis na 1:09.81 sa girls’ 100-meter backstroke para idagdag sa nauna niyang mga panalo sa 50-meter backstroke (32.64), 100m freestyle (1:02.12) at 200m Individual Medley.

Inangkin naman ng 17-anyos na si La Torre ang pang-apat niyang gold medal matapos magsumite ng tiyempong 5:08.81 sa boys’ 400 IM.

Nauna nang ibinulsa ni La Torre ang mga ginto sa 100m freestyle (57.87), 1,500m freestyle (18:21.03) at 400m freestyle (4:28.49).

Nalambat naman ni David Franco Dela Rosa ng Las Piñas City ang kanyang ikatlong ginto matapos bumandera sa boys’ 50m butterfly (24.44) para isunod sa pinagharian niyang 50m backstroke (28.79) at 200 IM (2:23.60).

Nakuha rin ni Lean Ysidore Dagum ng Koronadal City ang pangatlo niyang gold medal nang mamuno sa boys’ 100m backstroke (1:03.76) para isunod sa nauna niyang panalo sa 100m butterfly (1:03.55) at 200m backstroke (2:21.45).

Sa judo, tinalo ng kambal na sina Fil-Jap judoka Shugen at Keisi Nakano Shugen ng Pasay City sina teammate Al Rolan Lamas at Czar Agustus Bayas ng Taguig sa 66kg at 73kg., ayon sa pagkakasunod, para kunin ang ginto.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES QUEEN CHRISTABEL MARTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with