Blazers tangka ang ika-5 dikit vs UST
MANILA, Philippines — Sasarguhin ng College of St. Benilde ang ikalimang sunod na panalo sa pagharap nito sa University of Santo Tomas sa 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Magtutuos ang Blazers at Growling Tigers sa alas-2:15 ng hapon habang lalarga rin ang bakbakan ng Mapua University at Perpetual Help System Dalta sa alas-12:30 ng tanghali.
Nakatakda rin ang duwelo ng Adamson at Far Eastern University sa alas-4:30 ng hapon kasunod ang engkuwentro ng Gilas Cadets at University of the East sa alas-7 ng gabi.
Matayog ang lipad ng Benilde na nakasakay sa four-game winning streak kabilang an g 74-69 panalo laban sa Arellano University noong Biyernes.
Muling sasandalan ni Benilde mentor Tyrone Tang sina Justin Gutang at Yankie Haruna na siyang umariba ng husto sa kanilang huling laro.
Makakatuwang nina Gutang at Haruna sina Unique Naboa, Edward Dixon at Clement Leutcheu sa tangka ng Blazers na makuha ang ikalimang dikit na panalo. (CCo)
- Latest