^

PSN Palaro

FEU itataya ang katatagan

Pilipino Star Ngayon

Filoil Flying V preseason cup

MANILA, Philippines — Puntirya ng Far  Eas­tern University na makopo ang ikaapat na panalo sa pakikipagtipan nito sa College of St. Benilde ngayong araw sa pagpapatuloy ng FilOil Flying V Preseason Cup sa the FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Makakasagupa ng Tamaraws ang Blazers sa alas-12:30 ng tanghali kung saan parehong wala pang talo ang dalawang koponan.

Nangunguna ang FEU hawak ang 3-0 baraha kabuntot ang Benilde na may 2-0 marka.

Galing ang Tamaraws sa 87-85 panalo sa Jose Rizal University noong nakaraang linggo.

Ngunit nais ni FEU head coach Olsen Racela na mas maging agresibo pa ang kanyang bataan partikular na sa depensa.

“We have to make it harder for the opponents to shoot. We need to work on our half-court defense,” ani Racela.

Mapapalaban ng husto ang Tamaraws dahil ga­ling ang Benilde sa 92-68 demolisyon sa Lyceum of the Philippines University noong Biyernes.

Target naman ng Gilas Cadets na makabawi sa kanilang masamang 72-78 kabiguan sa University of the Philippines sa oras na makaharap nito ang National University sa alas-7 ng gabi.

Bitbit ng Gilas Cadets ang 1-4 marka habang may 1-3 naman ang Bulldogs na hangad na madugtungan ang kanilang 96-84 panalo sa Emilio Aguinaldo College.

Sa iba pang laro, makiki­pagtuos ang Colegio de San Juan De Letran (2-1) sa Adamson sa alas-4:30 habang lalarga ang University of Santo Tomas (0-2) kontra Jose Rizal (0-3) sa alas-2:15 ng hapon. (CCo)

vuukle comment

COLLEGE OF ST. BENILDE

FILOIL FLYING V PRESEASON CUP

G FAR EAS­TERN UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with