^

PSN Palaro

Beermen amoy na ang titulo

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen amoy na ang titulo

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay pinabag­sak ng mga Beermen ang Hotshots sa kanilang best-of-seven championship series.

Bukas ay maaari nang angkinin ng nagdedepensang kampeon ang kanilang pang-apat na dikit na All-Filipino crown.

Pinalubog ng San Miguel ang Magnolia, 84-80 sa Game Four para ilapit ang kanilang sarili sa pagkopo sa 2018 PBA Phi­lippine Cup championship kagabi sa Big Dome.

Nasa kanilang pang-39 Finals appearance, pipilitin ng Beermen na makopo ang record na ika-25 korona at pantayan ang Alaska Aces sa pagi­ging ikala­wang koponan na nagdomina sa isang komperensya ng apat na sunod na taon.

Pinagharian ng Aces ang PBA Governor’s Cup noong 1994, 1995, 1996 at 1997.

Kinuha ng San Miguel ang 82-75 abante sa hu­ling 1:58 minuto ng fourth period mula sa dalawang free throws ni Alex Cabagnot bago nakadikit ang Magnolia sa 80-82 mata­pos ang 3-point play ni Ian Sangalang sa natitirang 1:12 minuto.

Ganap na sinelyuhan ni Arwind Santos ang panalo ng Beermen mula sa kanyang dalawang charities sa nalalabing 2.2 segundo.

Samantala, muli na namang nailista ang pangalan ni Jun Mar Fajardo sa aklat ng kasaysayan ng liga.

Ito ay matapos igawad sa 6-foot-10 star center ang kanyang record na ikaanim na Best Player of the Conference trophy.

Nagposte ang four-time PBA Most Valuable Player ng average na 44.2 per game para ihatid ang Beermen sa finals laban sa Hotshots.

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with