NLEX lusot sa Ginebra
MANILA, Philippines — Bagama't nagbalik sa aksyon si seven-foot center Greg Slaughter matapos maupo sa tatlong laro dahil sa hamstring strain at hindi pa rin ito sapat para manalo ang Barangay Ginebra.
Bumangon ang NLEX Road Warriors mula sa 14-point deficit sa third period para resbakan ang Gin Kings, 81-78, sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tinapos ng NLEX ang kanilang apat na sunod na kamalasan para palakasin ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinals cast.
Nabigo naman ang Ginebra na masundan ang kanilang 100-96 panalo laban sa nagdedepensang San Miguel noong Miyerkules.
Kinuha ng Gin Kings ang 50-36 mula sa three-point play ni Raymond Aguilar sa pagbubukas ng third quarter hanggang unti-unti ay nakadikit ang Road Warriors.
Tuluyan nang naagaw ng NLEX ang 75-73 abante buhat sa three-point shot ni Larry Fonacier sa 4:53 minuto ng final canto.
Huling umabante ang Ginebra sa 77-75 buhat sa jumper ni Slaughter sa 4:10 minuto nito kasunod ang atake ng tropa ni coach Yeng Guiao.
- Latest