^

PSN Palaro

Davis umukit ng record sa panalo ng West

Pilipino Star Ngayon
Davis umukit ng record sa panalo ng West
Dumakdak si Pelican’s Anthony Davis ng West laban sa East sa NBA All-Star Game.

NEW ORLEANS - Nagtala si Anthony Davis ng New Orleans Pelicans ng bagong record para sa pinakamaraming iniskor sa isang NBA All Star Game matapos kumamada ng 52 points para banderahan ang West laban sa East, 192-182.

Tinapos ng New Orleans forward ang laro sa double-double sa idinagdag na 10 rebounds para sa ikatlong sunod na pananaig ng West laban sa East sa midseason spectacle.

Hinirang si Davis bilang All-Star Most Valuable Player.

Umiskor si Wilt Chamberlain ng 42 points noong 1962 NBA All-Star Game.

Naglista naman si Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder ng 41 markers sa isang All Star game sa ikalawang sunod na pagkakataon nang tumipa ng 16 for 26 shooting, kasama rito ang 7 of 13 sa three-point line.

Nag-ambag sina Gol­den State Warriors teammates Kevin Durant at Stephen Curry ng tig-21 points para sa Western All Stars.

Nagkaroon ng drama sa hardcourt nang sabay na tumakbo sa mag­kabilang gilid ng court ang dating Thunder teammates na sina Westbrook at Durant.

Ipinasa ni Westbrook ang bola kay Durant sa kaliwa at ibinalik ito ni Durant kay Westbrook sa isang give-and-go na nagresulta sa isang dunk para sa 31-28 bentahe ng West.

Humakot naman si first-time All Star Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ng 30 points mula sa 14 of 17 shooting para pangunahan ang East.

May 23 points si LeBron James ng Cleveland Cavaliers buhat sa kanyang 10 for 17 clip.

Dinala ng Sacramento Kings ang sentrong si DeMarcus Cousins sa Pelicans kasama ang forward na si Omri Casspi.

Sangkot din sa natu­rang trade sina Buddy Hield, Tyreke Evans at Langston Galloway at ang 2017 firs-and secorn-round picks ng Sacramento.

vuukle comment

DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with