^

PSN Palaro

VACC nangako ng P1M reward para mahuli si Mark Joseph

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
VACC nangako ng P1M reward para mahuli si Mark Joseph
Ipinakikita nina (kaliwa-pakanan) PSL President Susan Papa, PSL Chairman dating Senador Nikki Coseteng at VACC Chairman Dante Jimenez ang litrato ni PSI president Mark Joseph sa press conference na idinaos kahapon sa Max Restaurant sa Ma. Orosa St. Malate, Maynila.
Ed Gumban

MANILA, Philippines - Maghahagilap ng mahigit P1 milyong piso ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) bilang gantimpala sa ma­­ka­pagtuturo sa kinaro­onan para madakip ang pre­sidente ng Philippine Swimming Inc. na si Mark Joseph na mayroong warrant of arrest mula sa Sandiganbayan.

Ayon kay VACC chairman Dante Jimenez, sa pamamagitan ng tulong mula sa private sector ay maaari silang makalikom ng naturang pondo para mapadali ang pagtugis sa fugitive na si Joseph na umano’y nagtatago  nga­yon sa Dubai.

“May narinig akong nasa Dubai raw ngayon. Kung mayroong gantimpala, madaling mahanap ‘yun. Kailangang madakip ‘yun para harapin ang kaso niya sa Sandiganbayan. Kung madakip na ‘yun, palagay ko mareresolba rin natin ang problema sa swimming ng ating bansa,” sabi ni Jimenez sa press conference kahapon na ginanap sa Max Restaurant sa Orosa St. Malate, Maynila.

Si Joseph ay nanaharap sa kasong paglabag sa section 3 ng Republic Act No. 3019 na kilala rin bilang Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Inilabas ni Presiding Judge Amparo M. Ca­bo­taje-Tang ng Sandigan Bayan Third Division ang warrant of arrest para kay Joseph noon pang Set­yembre 9, 2016.

Ayon pa kay Jimenez, dapat ding papanagutin ang Bureau of Immigration and Deportation (BID) kung bakit at papaano nakalabas ng bansa si Joseph, dati ring deputy secretary-ge­neral ng Philippine Olympic Committee.

Bukod sa kasong graft and corruption,  nahaharap din si Joseph sa kasong sexual harassment sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) bunga ng pag-maltrato nito sa mga swimmers ng Philippine Swimming League, ayon kay dating Sen. Nikki Cose­teng, ang chairman ng PSL at may-ari ng Diliman College.

Samantala, sinabi rin ni PSL president Susan Papa na pinagbawalan silang sumali sa nakatakdang national swimming try-outs para sa mga magiging mi­yembro ng RP team na sasabak sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto.

Ayon sa dating Asian Games campaigner na si Papa, nagpalabas ng memorandum ang PSI na pirmado ni Joseph na nagbabawal sa pagsali sa mga kumpetisyon na hindi sanctioned ng kanilang POC-recognized swimming assosiation.

vuukle comment

DANTE JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with