^

PSN Palaro

Wolves tinapos ang ratsada ng Rockets

DIKLAP - Pilipino Star Ngayon
Wolves tinapos ang ratsada ng Rockets
Isinalaksak ni Andrew Wiggins ang kanyang two-handed dunk.

MINNESOTA -- Kumamada si Andrew Wiggins ng 28 points, habang kumolekta si Karl Anthony Towns ng 23 points at 18 rebounds para tulungan ang Timberwolves sa 119-105 paggupo sa bisitang Houston Rockets.

Nagdagdag si Shabazz Muhammad ng 20 points mula sa bench para tapusin ng Minnesota ang nine-game winning streak ng Houston.

Nagsalpak si Wiggins ng 11-of-20 fieldgoal shooting, samantalang dinomina nina Town at Muhammad ang rebounding sa paggiya sa Timberwolves ng 49-32 bentahe laban sa Rockets.

Maliban sa maliit na three-point lead ng Houston sa third quarter, binanderahan ng Minnesota ang halos ka­buuan ng nasabing laro.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Timberwolves para sa kanilang 13-26 record.

Nagtala si guard Ricky Rubio ng 17 assists at 10 points, habang may 10 markers din si Gorgui Dieng para sa Minnesota.

Nagposte naman si James Harden ng 33 points, 12 assists at 6 ebounds sa panig ng Rockets at nag-ambag sina Ryan Anderson at Trevor Ariza ng 18 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa Portland, gumamit ang Trail Blazers ng isang mini rally sa first period para kontrolin ang laro at talunin ang Cleveland Cavaliers, 102-86.

Binanderahan ni Allen Crabbe ang 10-2 ratsada ng Blazers sa huling tatlong minuto ng opening quarter para kunin ang 27-20 bentahe patungo sa kanilang ika-18 pa­nalo.

Pinamunuan ni CJ McCollu ang Portland sa kanyang 27 points kasunod ang 21 markers ni Crabbe.

Nalasap naman ng Cavaliers ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan.

Kumabig si LeBron James ng 20 points kasunod ang 17 at 11 markers nina Kevin Love at Kyrie Irving, ayon sa pagkakasunod.

Sa Los Angeles, kinuha ng Clippers ang kanilang pang-limang sunod na panalo matapos gibain ang Orlando Magic, 105-96.

Matapos ang malamig na third period ay nag-init ang Clippers sa final quarter nang maghulog ng 10-2 bomba para tuluyan nang talunin ang Magic.

Umiskor si J.J. Redick ng 22 points, habang may 18 markers si Chris Paul at humakot si DeAndre Jordan ng 20 rebounds, 10 points at 3 blocks.

vuukle comment

ANDREW WIGGINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with