^

PSN Palaro

Erediano gumawa ng eksena

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Kumubra ng 2 ginto sa batang pinoy

TAGUM, Davao del Norte, Philippines--Umagaw ng eksena si Moira Frances Erediano nang kunin ang kanyang ikalawang gold medal sa ibang sport sa 2016 Batang Pinoy National Championship kahapon sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex.

Nagsumite ang 12-an­yos na si Erediano ng Cebu Province ng oras na 24 minuto at 19 segundo para iwanan si Alison Noble (0:25:34) ng San Fernando, La Union at kababayang si Jeanna Mariel Canete (0:27:00) at angkinin ang gintong medalya sa girls’ 11-12 years old triathlon event.

“Hindi ko po maipaliwanag ang nararamdaman ko,” sabi ng Grade 6 student ng Sacred Heart of Ateneo de Cebu na una nang nanalo sa girls’ 10-13 yrs old criterium event ng cycling noong Linggo.

Si Erediano ang unang atletang nanalo ng dalawang ginto sa magkaibang sport matapos si Yuan Chiongbian ng Cebu na nagwagi sa cycling at triathlon noong 2014 sa Bacolod.

Inangkin naman ng 14-anyos na si Karen Andrea Manayon ng Cebu Province ang gold medal sa girls’ 13-15 yrs old triathlon sa kanyang tiyempong 0:40.16.

“Practice hard. Work hard,” sabi ng Grade 8 student ng Talisay City National High School na pumuwesto sa No. 10 sa Batang Pinoy National Finals noong nakaraang taon sa Danao, Cebu at pumangatlo sa nakaraang IronKids Triathlon.

Sa cycling, pumad­yak ng dalawang gintong medalya si Myra Regina Acedo ng Davao City sa girls’ 15-under at 17-under MTB, habang nagwagi naman ang kababayan niyang si Richard Handomon sa boys’ 17-under.

Ang iba pang nagwagi ng gold medal ay sina Jasper Erald Caisip ng General Santos City (boys’ 16-under MTB), Mario Buro ng Davao City (boys’ 13-under MTB) at Christian Acedo ng Davao City (boys’ 13-under BMX).

Samantala, ipinagpatuloy ni Jil Iron Tabuena ng Aklan ang kanyang dominasyon sa boys’ shot put nang maghagis ng 14.76m sa boys’ 16-17 yrs old event, habang nagreyna si Trexie Dela Torre ng Negros Occidental sa girls’ 13-15 yrs old long jump sa nilundag na 5.17m.

Ang iba pang kumuha ng gold medal sa kani-kanilang events ay sina Raymund Lopez (17:06.80) ng Agusan Del Sur sa boys’ 16-17 yrs old 5,000m run, Francis James San Gabriel (11:24.0) ng  Pangasinan sa boys’ 16-17 yrs old 2,000m walk at Rose Bok (12:47.2) ng Naga City sa girls’ 16-17 yrs old 2,000m walk.

vuukle comment

MOIRA FRANCES EREDIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with