^

PSN Palaro

Caligdong balik-Azkals para sa Suzuki Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik-Azkals si Chieffy Caligdong.

Ngunit sa pagkaka­taong ito, bahagi ito ng coaching staff upang tulungan si American mentor Thomas Dooley na manduhan ang national team na naghahanda sa Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup na gaganapin sa susunod na buwan sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.

Sa katunayan, sinimulan na ni Caligdong ang kanyang tungkulin nang makasama ito sa friendly matches ng Azkals laban sa Bahrain at North Korea sa Rizal Memorial Football Stadium noong nakaraang linggo.

Huling nasilayan sa aksiyon si Caligdong no­ong 2012 edisyon ng Suzuki Cup kung saan magugunitang itinarak nito ang bukod-tanging goal ng Azkals para gulanta­ngin ang Vietnam, 1-0 sa group stage na ginanap sa Rajamangala Stadium sa Bangkok, Thailand.

Ang naturang panalo ang muling nagdala sa Azkals sa semifinals.

“He (Caligdong) is a perfect fit. Chieffy used to be one of them while the younger players look up to and respect him as a former player so that is good for me.  They are familiar with him. What the players cannot tell me directly they can certainly tell him,” ani Dooley.

Ikinatuwa rin ni Azkals skipper Phil Younghusband ang pagbabalik ni Caligdong na naging magkatropa sa kampanya ng Pilipinas sa Suzuki Cup noong 2010.

“Chieffy will be an asset for the Azkals because of his stature as a former pla­yer and the young pla­yers certainly look up to him,” wika ni Younghusband.

Bahagi ng trabaho ni Caligdong na matiyak ang mataas na kundisyon ng Azkals.

 

vuukle comment

CALIGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with