^

PSN Palaro

Rain or Shine

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Akala ko ay tuluyan nang magugunaw ang mundo ni coach Yeng Guiao ng Rain or Shine.

Una, hindi pinalad ang isa sa mga paborito kong PBA coach sa kanyang re-election bilang kongresista sa Pampanga, ang kanyang lupang tinubuan.

Kinapos si coach sa boto. Iba ang nanalo.

Kaya naman pagkatapos ng May 9 elections, balik si coach sa PBA Commissioner’s Cup Finals. Imbes na mag-mukmok, nag-coach. Lamang ang Rain or Shine sa Alaska, 3-0 at hinangad na maka-sweep.

Pero umusad ang Alaska at kinuha ang Games 4 and 5. Lumapit sa Rain or Shine. Papunta sa Game 6, natakot ako na baka laglag na ang tuka ng RoS.

Kung umabot pa ng Game 7, tingin ko ay tutuluyan na sila ng Alaska.

Mabuti na lang at nagpasiklab ang RoS players sa pangunguna ni Paul Lee. Mabibigat din ang pinakawalan ni Jericho Cruz.

Tinapos ng RoS ang serye, 4-2.

Ikalawang PBA title ito para sa Rain or Shine, na nanalo nung 2012 sa PBA Governor’s Cup. Parehong sa conference na may import ang panalo ng koponan.

Bumalik ang ngiti sa mga mata ni coach Yeng.

Kung hindi nga naman siya pinalad sa eleksyon ay pinalad naman siya sa PBA. Mahirap mag-champion sa PBA, kasing hirap siguro na manalo sa pulitika.

Inamin ni coach na matapos matalo sa Games 4 and 5 ay nag­duda na siya sa kalalabasan. Ang lakas ng da­ting ng Alaska, parang mola na nagparemate.

Pinatunayan ng RoS players na para sa kanila ang titulo.

Masayang-masaya rin ang team owners na sila Terry Que at Raymond Yu, ang Batman and Robin ng PBA pagdating sa mga team owners.

Para na rin silang na­nalo sa eleksyon.

Kongrats Rain or Shine!

vuukle comment

DIGONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with