^

PSN Palaro

Julaton ‘di nakaporma sa Russian fighter Vera inialay sa fans ang panalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinailangan lang ni Brandon Vera ng 26 segundo para pasukuin si Paul  Cheng at matamis na angkinin ang ONE Championship heavyweight title kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isang malupit na left hook kasunod ang pamatay na left kick ang pinakawalan ni Vera upang pabagsakin ang kanyang karibal.

Si Cheng ay kapalit lamang ni Chi-Lewis Parry na siyang orihinal na kalaban sana ni Vera.

Inialay ni Vera ang kanyang tagumpay sa mga tagahanga nito.

“This title is not for me, it’s for everyone of you. Merry Christmas,” pahayag ni Vera na naitala ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa ONE Championship.

Unang ginapi ng 38-anyos fighter si Igor Subora sa bisa ng first-round technical knockout victory noong nakaraang taon.

Nakisalo naman sa tagumpay si Eugene To­quero na namayani laban kay Li Wei Bin sa pamamagitan ng technical knockout kung saan pinasuko nito ang kalaban sa ikatlong yugto.

Bigo sa kani-kanilang laban sina Ana Julaton, Mark Streigl at Ruel Catalan.

Lumasap si Julaton ng unanimous decision loss kay Russian Irina Mazepa habang si Streigl ay natalo kay Australian Reece McLaren.

Taob rin si Catalan kay  Brazilian Alex Silva sa unang kanto pa lamang ng laban.

Samantala, nag-alay ng panalangin ang mga organizers kay Chinese Yang Jianbing na namatay matapos mag-collapse bago pa man ang official weigh-in noong Huwebes.

Sinasabing dehydration ang dahilan ng kan­yang kamatayan dahil nais nitong maabot ang itinakdang weight limit sa kanyang dibisyon.

vuukle comment

ACIRC

ANA JULATON

ANG

AUSTRALIAN REECE

BRANDON VERA

BRAZILIAN ALEX SILVA

CHI-LEWIS PARRY

CHINESE YANG JIANBING

EUGENE TO

IGOR SUBORA

LI WEI BIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with