^

PSN Palaro

Philippine Azkals 3rd na lang ang habol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyan nang napatalsik sa kontensiyon ang Philippine Azkals makaraang umiskor ng magkahiwalay na panalo ang North Korea at Uzbekistan sa kanilang agawan sa liderato sa Group H noong Martes ng gabi sa 2015 FIFA World Cup Qaulifiers.

Hiniya ng North Ko­reans ang Bahrain, 2-0  para mapanatiling hawak ang liderato taglay ang 16 puntos sa Kim II Sung Stadium sa Pyongyang.

Kinana nina  Pak Kwang Ryong at Jong II-Gwan  ang nasabing pun­tos para pamunuan ang Chollima sa ikalimang panalo matapos ang isang draw at isang kabiguan.

Samantala, nalusutan ng Uzbeks ang Yemen, 3-1 at manatiling nakadikit sa North Korea sa kanilang naipong 15 puntos.

Sumandig ang Uz­be­kis­tan kina  Azizbek Hayda­rov, Server Djeparov at Stabislav Andreev para sa naturang panalo na nagpa-lakas ng kanilang kartada sa 5-0-1.

Ang mga panalong ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa kampanya ng Azkals na kasalukuyang nasa ikatlong posisyon at kahit manalo pa sila sa huling dalawang laro kontra North Korea at Uzbekistan ay wala na rin itong saysay para makaahon sa Top 2 matapos malasap ang 0-2 pagkatalo sa mga kamay ng Yemen noong nakaraang Linggo sa Manila na naglubog sa Pinoy booters sa pitong puntos (2-1-3).

Katunggali ng Azkals ang Bahrain na may 6 puntos sa No. 3 slot sa Group H na maggagarantiya ng tiker sa third round ng AFC Asian Cup Qualifiers.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIAN CUP QUALIFIERS

AZIZBEK HAYDA

AZKALS

BAHRAIN

GROUP H

NORTH KO

NORTH KOREA

PAK KWANG RYONG

PHILIPPINE AZKALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with