^

PSN Palaro

Mammie gagawin ang lahat para sa Aguilas sa ABL

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako si Charles Mammie na gagawin ang lahat para matulungan ang kampanya ng Pilipinas Powervit Aguilas sa 2015 Asean Basketball League (ABL).

Bukas na magsisimula ang kampanya ng Aguilas laban sa Thailand Mono Vampires sa Davao at sinabi ni Mammie na pagtutuunan niya ang rebounding at depensa.

“I will be the garbage man,” wika ng 6’7 na si Mammie sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

“I will focus on reboun­ding and do the odd jobs inside the paint,” dagdag nito.

Si Mammie ay dating import ng UE at siya ang magiging ikalawang import ng koponang hahawakan ni coach Zaldy Realubit.

Ang isa ay ang maka­ilang-ulit na itinanghal bilang PBA Best Import na si AZ Reid.

Inimbitahan si Reid at ang dating PBA MVP na si Willie Miller pero hindi sila nakasipot.

Ang iba pang aasahan sa koponan ay sina dating PBA player Sunday Sal­vacion, Carlo Sharma at Jondan Salvador.

Suporta rin ng mga ma­­nonood ang aasahan ng Aguilas para bigyan ng magandang simula ang kampanya sa regional basketball league.

Matapos ang laro ay agad na lilipad ang koponan patungong Kuala Lumpur para harapin ang Malaysia sa Oktubre 31. Sa Nobyembre 4 ay babalik ang Aguilas sa bansa at lalabanan ang Saigon Heat sa General Santos City.

vuukle comment

ACIRC

AGUILAS

ANG

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BEST IMPORT

CARLO SHARMA

CHARLES MAMMIE

GENERAL SANTOS CITY

JONDAN SALVADOR

KUALA LUMPUR

PILIPINAS POWERVIT AGUILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with