^

PSN Palaro

Air Force giniba ang IEM sa Spikers’ Turf Lady Maroons buwenamano sa V-League

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan)

12:45 p.m. Coast Guard vs PLDT Home Ultera

3 p.m. KIA Forte vs Navy

MANILA, Philippines – Wala pa siya sa kanyang pamatay na porma, ngu­nit kitang-kita na kay Katherine Bersola ang kanyang bangis.

Sumandal ang University of the Philippines sa nag­babalik na si Bersola pa­ra kunin ang come-from-behind win, 19-25, 25-23, 25-23, 25-23, kontra sa Philippine Navy sa paghataw ng Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtala si Bersola, nagkaroon ng ACL (anterior cru­ciate ligament) injury sa isang UAAP game noong Enero, ng 8 hits para sa pa­nalo ng Lady Maroons.

Sa kabuuang 13 blocks ng UP ay may apat si Bersola para ipakita ang kanyang kahandaan sa torneo

“She’s not yet in full strength, but she’s getting there,” wika ni Lady Maroons’ coach Jerry Yee kay Bersola.

Nakakuha ng solidong suporta si Bersola mula kina Maria Lina Isabel  Molde, Nicole Anne Tiamzon at Marian Alisa Buitre na tumapos na may 17, 14 at 10 points, ayon sa pagka­ka­sunod.

Matapos kunin ang first set ay itinala ng Lady Sai­lors ang 18-12 bentahe sa second frame.

Ngunit bumangon ang Diliman-based spikers para itabla ang laro sa 1-1 patungo sa pananaig sa su­mu­nod pang dalawang set.

Samantala, maning­ning din na binuksan ng Air Force ang kanilang kampanya sa pagsungkit ng unang panalo makaraang igupo ang Instituto Estetico Manila, 25-19, 25-27, 25-21, 25-20, sa Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference.

Bubuksan naman ng PLDT Home Ultera ang ka­nilang pagdedepensa sa korona sa pagharap sa Coast Guard ngayong alas-12:45 ng tanghali.

Sa alas-3 ng hapon ay magtatagpo ang Army at ang bagong miyembrong Kia Forte.

vuukle comment

ACIRC

AIR FORCE

ANG

BERSOLA

COAST GUARD

HOME ULTERA

INSTITUTO ESTETICO MANILA

JERRY YEE

LADY MAROONS

REINFORCED CONFERENCE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with