^

PSN Palaro

FIBA gagawing No. 1 sport ang basketball sa buong mundo

Pilipino Star Ngayon

TOKYO – Sinabi ni  FIBA secretary-general Patrick Baumann na nakatakdang simulan ng Swiss-based international governing body ang isang ambisyosong programa sa hangaring kila­lanin ang basketball bilang pinaka-popular na sport sa buong mundo.

“We’re entering a new era,” wika ni Baumann sa FIBA 2019 World Cup bidding event sa Prince Park Tower Hotel noong Biyernes.  “We want to bring the World Cup, our flagship and most impactful event, to the next level, to more countries, to more fans in arenas and to more media. We’re completely revamping the 2019 format. First, we’re moving it to 2019. Then, we begin a 15-month qualifying period from November 2017 with six qualifying windows to involve 140 national teams playing over 200 games on a home-and-away basis.  Asia and Oceania will now be together with seven qualifying slots available.

Itatampok sa 2019 FIBA World Cup ang 32 teams mula sa 24 squads na lumahok sa Spain noong 2014.

Ang anim na qualifying tournaments ay nakatakda sa Nobyembre ng 2017, sa Pebrero, Hunyo, Setyembre at Nobyembre ng 2018 at sa Pebrero ng 2019.

Ang mga kalahok ay ang host nation, lima mula sa Africa, pito buhat sa Americas, pito sa Asia/Oceania at 12 sa Europe.

Sinabi ni FIBA president Horacio Muratore ng Argentina na ang pagdadala nila sa World Cup sa Asia sa 2019 ay ayon sa kanilang ‘One FIBA’.

Ang China ang magi­ging pangatlong Asian country na namahala ng World Cup matapos ang Manila noong 1978 at ang Saitama noong 2008.

Nakataya sa 2019 World Cup ay ang direct qualification sa 2022 Tok­yo Olympics, ayon kay Mura­tore.

Sa 2022 Summer Ga­mes, kabuuang 12 slots para sa men’s basketball ang paglalabanan.

Ang 16 best finishers sa 2019 World Cup ang makakasama ng top two non-qualified placers mula sa bawat FIBA region sa pakikipag-agawan sa apat na wildcard Olympic slots sa 24-nation derby na hinati sa apat na torneo.

Sa paghahanda sa 2019 World Cup, ginamit ng  China ang temang “More  Than Ever” para sa kanilang bid.

Ang audio-visual presentation ng China ay isang pagpapakita ng kanilang kapasidad base sa kanilang global connections at mo­dern transportation.

Walong veneus ng wa­long siyudad ang gagamitin ng China para sa mga laro ng 2019 FIBA World Cup.

Ang China ang namahala sa 2008 Beijing Olympics, 2011 Shenzhen Univer­siade at sa 2014 Nanjing Youth Olympics. (QH)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG CHINA

ASIA AND OCEANIA

BEIJING OLYMPICS

CUP

FIBA

HORACIO MURATORE

SHY

WORLD

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with