^

PSN Palaro

Lady Maroons tatapusin agad ang Tigresses sa UAAP softball

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Diamond)

 

MANILA, Philippines - Pawiin ang masasakit na pagkatalo sa UST Tigresses sa playoffs ang balak gawin ng UP Lady Maroons sa second round ng 77th UAAP softball step-ladder semifinals ngayon sa Rizal Memorial Diamond.

Magsisimula ang tagisan sa ganap na alas-9 ng umaga at kailangan lamang ng UP na manalo sa UST para umabante na sa championship round.

Dahil pumangalawa sa elimination round, ang Lady Maroons ay may twice-to-beat advantage sa Tigresses.

Sa huling dalawang taon na nagkaroon ng step-ladder semifinals, nagkita ang UP at UST sa first round at palaging nananalo ang huli sa una sa dikitang 4-3 at 3-2 iskor.

Winalis din ng UST ang dalawang laro nila ng UP sa double round elimination pero nakabawi kahit paano ang State University sa 7-4 panalo sa playoff para sa number two spot.

Ang four-time defen­ding champion Adamson Lady Falcons ay nasa finals matapos ang 12-0 sweep para lumawig pa sa 60-0 ang malinis na karta na nagsimula noon pang 2011. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

DAHIL

LADY MAROONS

LARO NGAYON

MAGSISIMULA

PAWIIN

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

STATE UNIVERSITY

WINALIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with