^

PSN Palaro

UST sinibak ang NU

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Rizal Memorial Diamond)

9 a.m.  UP vs UST

MANILA, Philippines – Nagising ang UST Tigresses sa bottom fifth inning para makabangon mula sa 0-3 iskor tungo sa 4-3 panalo laban sa NU Lady Bulldogs sa pagsisimula kahapon ng 77th UAAP softball step-ladder semifinals sa Rizal Memorial Diamond.

Si Kris Lacupa ay nagtala ng dalawang RBIs para makaalagwa ang Tigresses at manatiling palaban para sa kampeo­nato ng softball.

Sunod na makakaharap ng Tigresses ang UP Lady Maroons na may twice-to-beat advantage bukas.

Tampok na RBI ni La­cupa ay nangyari sa huling palo ng UST dahil ang kanyang single ang nagpapasok sa kakamping si Anne Antolihao para sa winning play.

Nauna rito, sina Lacupa, Hannah Mae Dela Torre at ang rookie na si Ricky Mae Latican ay naghatid ng tig-isang run sa bottom fifth para maitabla ang iskor sa 3-3.

Si Antolihao ang siyang ginamit na pitcher sa pagsisimula ng ikatlong inning at pinawi niya ang naibigay na dalawang runs sa top of the fifth inning nang tumibay ang pagpukol sa huling dalawang innings.

Ang Lady Bulldogs na nakaiskor agad ng isang run sa third inning bago ginawang 3-0 ang iskor sa top of the fifth inning, ay namaalam na at na­bigong tularan ang naabot na pa­ngalawang puwes­tong pagtatapos sa huling dalawang edisyon ng liga.

Ang Adamson Lady Falcons ay dumiretso na sa Finals matapos ang 12-0 sweep. (AT)

vuukle comment

ANG ADAMSON LADY FALCONS

ANG LADY BULLDOGS

ANNE ANTOLIHAO

HANNAH MAE DELA TORRE

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

LARO BUKAS

RICKY MAE LATICAN

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with