^

PSN Palaro

World Water Day 2015 run ikinasa ng Maynilad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihahandog ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang “World Water Day 2015 : Let’s Run for Water and Sustainable Development” na inorganisa ng Runners Republiq at RG Events sa Marso 22 sa CCP Complex, Pasay City.

Ito ay bahagi ng week-long celebration mula sa Marso 16 hanggang 22 ng World Water Day sa pakikipagtulungan sa mga government agencies at private organizations.

Inaasahang lalahukan ang event ng halos 4,000 runners, kasama rito ang mga kawani ng 25 private organizations at government agencies sa pamumuno ng DENR.

Bilang culminating activity para sa week-long celebration ng World Water Day 2015, hangad ng karera na bigyan ng inspirasyon ang mga Filipino na gawin ang kanilang papel sa pagpo-promote ng pagkakaroon ng malinis na tubig at responsibilidad sa kapaligiran.

Ang mga race categories ay ang 1K at 3K para sa mga fun runners at ang 5K, 10K at 21K para sa mga competitive runners.

Itatampok sa event ang symbolic 1K fun walk kung saan ang mga partisipante ay magdadala ng binhi sa kabuuan ng karera.

Ito ay itatanim sa Maynilad’s La Mesa Water Treatment Plant Compound, ang pasilidad na nagbibigay ng drinking water para sa 8.9 milyong tao araw-araw.

Para sa detalye ng karera at sa mga Maynilad-led WWD events, bumisita lamang sa FB/MayniladWaterWarrior o sa FB/runnersrepubliq.

vuukle comment

LA MESA WATER TREATMENT PLANT COMPOUND

MARSO

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

PASAY CITY

RUNNERS REPUBLIQ

WATER

WORLD WATER DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with