^

PSN Palaro

Showtime idinepensa si Mayweather

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maraming boxing personalities ang nagsasabing si Floyd Mayweather, Jr. ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung matutuloy ang kanilang laban ni Manny Pacquiao.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng cable tv network na Showtime kung saan may exclusive contract ang American world five-division titlist.

“Not accurate. Floyd isn’t holding the deal up,” sagot ni Showtime Sports president Stephen Espinoza sa kanyang pagta­tanggol sa tubong Grand Rapids, Michigan na si Mayweather.

Sinabi pa ni Espinoza na mismong si Maywea­ther ay gustong mapana­lisa ang kanilang super fight ni Pacquiao.

Sakaling matuloy ang laban ay inaasahang ta­tanggap si Mayweather ng premyong $120 milyon, habang $40 milyon ang mapupunta kay Pacquiao base sa kanilang napagkasunduang 60/40 purse split.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong nakaraang Sabado ng gabi ay sinabi ni Pacquiao na malapit nang ihayag ang kanilang laban ni Mayweather.

Sa kanyang Instagram kamakalawa ay sinabi ni Pacquiao na magsisimula na siya ng paghahanda para sa laban niya.

Ngunit hindi niya binanggit kung si Maywea­ther ang kanyang tinutukoy.

Parehong may inihandang ‘Plan B’ ang mga kampo nina Pacquiao at Mayweather kung hindi na naman matutuloy ang kanilang laban.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

GRAND RAPIDS

MAYWEA

MAYWEATHER

NGUNIT

PACQUIAO

PLAN B

SHOWTIME SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with