^

PSN Palaro

Mahigpit ang labanan sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi malayo na magsukatan uli ang San Sebas­tian Lady Stags, Perpetual Help Lady Altas at Arellano Lady  Chiefs para sa pangunguna sa 90th NCAA women’s beach volley title na pag­lalabanan sa Waterfront Boardwalk sa Subic Bay Freeport sa Olongapo City.

Magsisimula ang kompetisyon ngayon at matatapos hanggang Linggo at tutulong sa pamunuan ng NCAA ang The Lighthouse Marina Resort para mapaganda ang pag-estima sa mga atleta, opisyales at iba pang bisita.

Ang Lady Stags ang siyang magpupursigi para maidepensa ang suot na titulo at ang mahusay na si Gretchel Soltones ay magbabalik para pagsikapan na manatili sa Recto ang kampeonato.

Sina Denice Lim at Bea Uy ang siyang pagpipilian para pumalit kay Czarina Berbano na katambal ni Soltones noong nakaraang taon.

Ang Lady Altas at Lady Chiefs ang siyang mangu­nguna sa hahamon sa Lady Stags.

Sina Jamela Suyat, Vhi­ma Condada at James Diocareza ang naka-lineup sa Lady Altas na kampeon ng liga mula 2009 hanggang 2012.

Hindi naman pahuhuli ang Lady Chiefs na nagkampeon sa indoor volleyball at nais na higitan ang pakikisalo sa ikalawang puwesto sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa ikalawang puwesto.

Ang St. Benilde ang siyang magsusumigasig na mapanatili ang titulo sa kalalakihan.

Pangungunahan ang Blazers ng mahusay na si Johnvic de Guzman at ang susukat sa koponan ay inaasahang manggagaling sa Perpetual Help Altas na pumangalawa noong nakaraang taon. (AT)

vuukle comment

ANG LADY ALTAS

ANG LADY STAGS

ANG ST. BENILDE

ARELLANO LADY

BEA UY

CZARINA BERBANO

LADY

LADY CHIEFS

LADY STAGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with