^

PSN Palaro

RTU humabol sa semis sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinalo ng Rizal Technological University Blue Thunder ang Diliman Computer Technology Senators, 60-57, para angkinin ang ikaapat at huling puwesto sa 14th NAASCU men’s basketball Final Four noong Linggo sa RTU Gym sa Mandaluyong City.

Si Renell Montecillo ang nagbigay ng panalo para sa home team sa kanyang dalawang free throws sa huling walong segundo.

Nagkaroon pa ng hu­ling opensiba ang Diliman pero sablay ang sana’y panablang triple ni Ibrahim Quattara para angkinin ng RTU ang ikalimang panalo matapos ang 11 laro,

Selyado na nila ang puwesto sa semifinals dahil ang Senators ay may 3-8 karta lamang papasok sa huling laro ng elimination round.

Ang nagdedepensang kampeong CEU Scor­pions at host St. Clare Caloocan Saints ay nanalo rin para manatili sa unang dalawang puwesto.

May 11-0 karta na ang Scoprions nang manalo sa Our Lady of Fatima University, 65-59, habang naisulong ng Saints ang winning streak sa 10 sunod matapos matalo sa u­nang laro laban sa CEU, sa pa­mamagitan ng 105-59 pagdurog sa City University of Pasay.

Ang CEU at St. Clare ay magtutuos ngayon para malaman kung sino ang mangunguna sa liga.

Ang OLFU ang siyang nasa ikatlong puwesto sa Final Four.

vuukle comment

CITY UNIVERSITY OF PASAY

DILIMAN COMPUTER TECHNOLOGY SENATORS

FINAL FOUR

IBRAHIM QUATTARA

MANDALUYONG CITY

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDER

SI RENELL MONTECILLO

ST. CLARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with