Norwood, Alapag at Blatche nalagay sa Spanish papers
SEVILLE – Tatlong miyembro ng Gilas Pilipinas ang nakakuha ng atensyon ng mga Spanish newspapers na nag-uulat ng 2014 FIBA World Cup.
Ang pinakahuling itinampok sa Spanish daily sports newspaper na Marca ay si Gabe Norwood na ang litrato ay sinamahan ng larawan ni US President Barack Obama.
Ang tawag kay Norwood sa PBA ay ‘Mr. President’ dahil sa kanyang pagkakahawig kay Obama.
Laban sa Argentina, ang kanyang slam dunk sa mukha ni NBA veteran Luis Scola ay nakasama sa highlight reel ng FIBA at ESPN.
Sa dyaryong AS ay inilabas ang litrato ni Jimmy Alapag na nilusutan si Mouhammad Faye at ni naturalized player Andray Blatche na binantayan nina Maleye Ndoye at Gorgui Dieng.
- Latest
























