^

PSN Palaro

BWC national finals gugulong sa Aug. 16

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga bigating pangalan sa larangan ng bowling ang magsusukatan para maging kinatawan ng Pilipinas sa Bowling World Cup sa Agosto 16 sa Coronado Lanes.

Sina six-time world champion Paeng Nepomuceno at dating world champion Biboy Rivera ang mangunguna sa 80 kalalakihan na finalists habang sina Liza del Rosario, Liza Clutario, Maded Arles at Krizziah Tabora ang kabilang sa 52 kababaihan.

Tatlong magkakaibang bowling centers ang gagamitin para madetermina ang national champions na ipadadala para isabak sa Bowling World Cup sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland mula Nobyembre 1-9.

Ang male bowlers ay sasalang sa 12-games sa Sabado (Aug. 16) habang kababaihan ay sa Linggo (Aug. 17) na maglalaro sa kaparehong 12-game series.

Ang mangungunang 34 bowlers ay aabante sa pangalawang araw ng kompetisyon sa Agosto 19 (male) at 20 (female) sa Paeng’s Midtown para madetermina ang top eight.

Bitbit ang kanilang mga scores, ang mangungunang walong bowlers ay sasalang sa one-round robin format at ang mananalo ng 30 puntos at 15 puntos kung tabla ang laro.

Ang mangungunang tatlong bowlers ang siyang aabante sa stepladder matches para malaman ang tatanghaling kampeon.

 

vuukle comment

AGOSTO

BIBOY RIVERA

BITBIT

BOWLING WORLD CUP

CORONADO LANES

KRIZZIAH TABORA

LIZA CLUTARIO

MADED ARLES

PAENG NEPOMUCENO

SKY BOWLING CENTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with