^

PSN Palaro

PLDT Home Telpad umiskor naman sa Ateneo Lady Eagles; Lady troopers pinayukod ang Raiders

Merrowen Mendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Giniba ng Philippine Army ang Philippine Air Force,   25-20, 23-25, 25-16, 25-23, sa elimination round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang laro, binigo ng bagitong PLDT Home Telpad ang Ateneo, 25-21, 25-13, 26-24, para makasalo ang Army sa liderato sa kanilang 2-0 record.

Pinangunahan ni Mary Jean Balse ang Lady Troo­pers sa kanyang 13 attacks, 3 excellent blocks at 4 service aces na sinuportahan ni Rachel Ann Daquis upang masungkit ang panalo.

Sinamantala ng Lady Troopers ang net violations ng Lady Raiders para makabangon mula sa 18-21 pag­ka­kaiwan sa fourth set at kunin ang panalo sa loob ng isang oras at 51 minuto.

Itinaas ng Season 8 champions ang kanilang kartada sa 2-0.

Humataw si Balse ng dalawang service aces, ka­sama rito ang pagtama sa net na nahulog sa bakod ng Air Force, habang tumulong naman sina Ginie Sabas at Daquis para sa Lady Troopers.

Nauna nang nakabawi ang Lady Raiders mula sa 3-8 agwat sa pagsisimula ng fourth set bago agawin ang 20-17 kalamangan.

Ang depensa ni Jen Manzano kay Jovelyn Gonzaga na nagresulta sa kanyang kill ang nagbigay sa Air Force ng 21-18 bentahe.

Ngunit nakagawa ang Raiders ng magkasunod na  net violations na nagresulta sa pagbangon ng Lady Troopers sa pangunguna nina Balse at Sabas.

Tumapos si Daquis na may 20 hits at nagdagdag si Gon­zaga ng 12 markers para sa Army.

Lumamang ang Lady Troopers sa Lady Raiders sa net attacks, 49-47, kung saan may 14 hits si Maika Ortiz, ha­bang nag-ambag sina Judy Caballejo at Iari Yongco ng tig-2 points.

May kabuuang limang blocks si Daquis at may tatlo si Balse sa kabuuang 12 blocks ng Lady Troopers.

May 1-1 baraha ngayon ang Air Force.

 

vuukle comment

AIR FORCE

DAQUIS

GINIE SABAS

HOME TELPAD

IARI YONGCO

JEN MANZANO

LADY

LADY RAIDERS

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with