^

PSN Palaro

World 9-Ball championship Chua umukit ng upset kay Deuel

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buo pa rin ang mga pambato ng Pilipinas sa 2014 World 9-Ball Championship nang nagsipanalo ang mga nasalang sa ikalawang araw ng kompetisyon na ginagawa sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.

Upset ang naihatid ni Johann Chua kay Corey Deuel ng USA, 9-2,sa Group 13 habang sina Jeff de Luna, Israel Rota at Elmer Haya ay nanalo rin sa kanilang mga unang laro sa torneong sinalihan ng 128-manlalaro at magla­laban-laban sa $30,000.00 unang gantimapala.

Si De Luna ay nanalo kay Tomasz Kaplan ng Poland, 9-4, at si Israel Rota ay binokya si J-Ram Alabanzas ng South Africa, 9-0, sa Group 14; habang si Elmer Haya ay nagdomina sa kababayang si Lee Van Corteza, 9-2, sa Group 16.

Hindi naman nagpahuli ang mga manlalarong nasa loser’s side nang manalo sa mga do-or-die matches sina Efren “Bata” Reyes, Ramil Gallego, Francisco Felicilda at Corteza.

Sinuwerte sa pagkakataong ito si Reyes na nalusutan si Denis Grabe ng Estonia, 9-8, sa Group 9, si Gallego ay wagi kay Mishel Turkey ng Qatar, 9-7, sa Group 4, si Felicilda ay pinagpahinga si Christian Aguirre ng Ecuador sa Group 1 at si Corteza ay nanaig kay Mario Morra ng Canada, 9-6, sa Group 16.

Kailangan pa ng mga manlalarong ito ang isang panalo para malusutan ang Group Stages at makakuha ng puwesto sa Last 64.

Sina Dennis Orcollo, Antonio Gabica, Warren Kiamco, Carlo Biado, Raymund Faraon at Elvis Calasang ay nangangailangan naman ng isang panalo sa winner’s group para umusad pa.

Kung matalo sila, kaila­ngan nilang maipanalo ang laro sa loser’s side para maging palaban pa sa titulo.

 

vuukle comment

AL SAAD SPORTS CLUB

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

CARLO BIADO

CHRISTIAN AGUIRRE

COREY DEUEL

ELMER HAYA

GROUP

ISRAEL ROTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with