^

PSN Palaro

Sonsona kay Vasquez: ‘Ito na ang panahon ko!’

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panahon na ng paghihiganti.

Ito ang ibinulalas agad ni Marvin Sonsona matapos abutin ang tamang timbang sa weigh-in kahapon para sa rematch nila ni Puerto Rican Wilfredo Vasquez Jr. ngayon sa Madison Square Garden sa New York City.

Tumimbang ang 23-anyos na si Sonsona sa 125.8 pounds na siya ring bigat ni Vasquez upang matuloy ang tagisan sa 10 rounds para sa bakanteng NABF featherweight belt.

Mataas ang kumpiyansa ng 23-anyos tubong Ge­neral Santos City at nang magtapat sila ni Vasquez ay makailang ulit na sinabi ang katagang “it’s my time now.”

Nagkita na ang dalawang boksingero noong Pebrero 27, 2010 para sa bakanteng WBO super bantamweight title ngunit nangibabaw ang galing ni Vasquez nang kunin ang fourth round knockout panalo.

Ginarantiya ni Sonsona, ang dating WBO super flyweight champion, na hindi na mauulit ang nangyari dahil  pinaghandaan niya nang husto ang nasabing laban.

Apat na sunod na panalo ang kinuha ni Sonsona matapos ang kabiguan kay Vasquez sa unang pagkikita at ang huling tinalo ng Filipino fighter ay ang dating WBA super bantamweight champion na si Akifuni Shimoda ng Japan noong Pebrero 22 sa pamamagitan ng third round knockout.

 

vuukle comment

AKIFUNI SHIMODA

MADISON SQUARE GARDEN

MARVIN SONSONA

NEW YORK CITY

PEBRERO

PUERTO RICAN WILFREDO VASQUEZ JR.

SANTOS CITY

SONSONA

VASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with