^

PSN Palaro

Wala nang game 7!, Mixers tutuluyan na ang Elasto Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling pipilitin ng Mixers na makamit ang korona, habang hangad naman ng Elasto Painters na makatabla para maitakda ang Game Seven sa kanilang championship series.

Magsasagupa ang San Mig Coffee at ang Rain or Shine ngayong alas-8 ng gabi sa Game Six ng 2013-104 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Co­liseum.

Napigilan ng Elasto Painters ang tangkang  pag-angkin ng Mixers sa All-Filipino Cup crown matapos agawin ang 81-74 panalo sa Game Five noong Linggo.

Kinuha ng Rain or Shine ang Game One, 83-80, bago inangkin ng San Mig Coffee ang Game Two, 80-70, Game Three, 77-76, at Game Four, 93-90.

“We’ll try to delay or postpone the celebration of San Mig. If we can delay it’s enough, it can be our celebration,” sabi ni head coach Yeng  Guiao matapos ang panalo ng kanyang Elasto Painters sa Mixers sa Game Five.

Hangad ni Guiao ang kanyang kauna-unahang All-Filipino Cup title matapos makakuha ng anim sa mga reinforced conference.

Muling aasahan ng Rain or Shine sina Jeff Chan, umiskor ng 24 points sa Game Five, Paul Lee, Gabe Norwood, Beau Belga at JR Quiñahan katapat sina James Yap, Marc Pingris, Joe Devance, PJ Simon, Mark Barroca at rookie Ian Sangalang ng San Mig Coffee.

Ang Barangay Ginebra pa lamang ang tanging koponan na nakabangon mula sa isang 1-3 pagkakabaon sa Finals matapos resbakan ang Shell para angkinin ang 1991 PBA First Conference.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

ANG BARANGAY GINEBRA

BEAU BELGA

ELASTO PAINTERS

FIRST CONFERENCE

GABE NORWOOD

GAME

GAME FIVE

GAME FOUR

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with