^

PSN Palaro

Phl ka-grupo ang US sa FIBA U-17 World Championship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang hindi nangyari sa Gilas Pilipinas ay naganap sa National U-17 team nang naka-grupo sila ng United States para sa FIBA Under-17 World Cham­pionship na gagawin sa Al Ahli at Al Wasle Arena sa Dubai mula Agosto 8 hanggang 16.

Idinaos ang draw noong Huwebes at ang Pilipinas ay napabilang sa Group A kasama ang US, Greece at Angola.

May 16 bansa ang ka­sali at ang Japan, France, Canada at Australia ay nasa Group B, ang Puerto Rico, host United Arab Emirates, Italy at Spain ay nasa Group C at ang Argentina, Serbia, China at Egypt ang nasa Group D.

Nakapasok ang Pilipinas sa World Championship nang pumangalawa sa FIBA-Asia U17 sa Tehran, Iran noong nakaraang taon.

Masaya naman si Na­tional coach Jamike Ja­rin sa kinalagyan ng kanyang koponan dahil magkakaroon ang mga ipadadalang manlalaro ng tsansang makasukatan ang pinakamalakas na bansa sa basketball.

Ang US ang siyang two-time defending champion ng kompetisyon at ang mga manlalarong isasali ay itinuturing susunod na bigating manlalaro sa NBA.

Ang U17 team ang ikalawang koponan mula Pilipinas na nakapasok sa World championship. Ang isa pa ay ang Gilas Pilipinas na maglalaro sa FIBA World Cup sa Spain.

 

vuukle comment

AL AHLI

AL WASLE ARENA

GILAS PILIPINAS

GROUP A

GROUP B

GROUP C

GROUP D

JAMIKE JA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with