^

PSN Palaro

Red Warriors babawian ang Tigers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatangka ang UE na bumangon mula sa pag­lasap ng unang pagkatalo sa pagharap sa UST sa pagpapatuloy ngayon ng 76th UAAP men’s football sa FEU Diliman pitch.

Ang natatanging laro ay itinakda sa ganap na alas-3 ng hapon at inaasahang babalik din sa Red Warriors ang mahusay na striker na si Fitch Arboleda.

Inilabas si Arboleda sa first half ng laro laban sa FEU noong Biyernes dahil sa hamstring injury.

Bunga nito ay natalo ang UE sa Tamaraws sa dikitang 0-1 iskor at ibigay sa FEU ang unang puwesto sa 4-0 baraha at 12 puntos.

Hindi madaling laro ito dahil ang Tigers ay magnanais na makakawala sa pakikipagsosyo sa ikatlong puwesto kasama ang nagdedepensang Ateneo bitbit ang isang panalo, isang tabla at dalawang talo tungo sa  apat na puntos.

Ang dating kampeon na UP at La Salle ay magkasalo sa ikalimang puwesto sa 1-0-2 tungo sa tatlong puntos habang ang National University ang nangungulelat sa 0-1-3 tungo sa isang puntos.

Ang laro sa kababaihan ay gagawin bukas (Sabado) sa pagitan ng UP at Ateneo sa ganap na ala-1 ng hapon at UST at FEU sa alas-3 ng hapon.

 

vuukle comment

ARBOLEDA

ATENEO

BIYERNES

BUNGA

DILIMAN

FITCH ARBOLEDA

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

RED WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with