^

PSN Palaro

World champions kinumpleto ang Team East, Team Asia sa Queens Cup

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinahugan ng mga da­ting World champions ang Team East at Team Asia para makumpleto ang apat na manlalarong magtatagisan sa Queens Cup na gagawin sa Resorts World Manila mula Nobyembre 5 hanggang 7.

Si Allison Fisher ng Eng­land na natata­nging manlalaro na naging world’s No. 1 player sa apat na magkakaibang de­kada, ang kukumpleto sa Team East.

Makakasama niya sa koponang bubuuin ng manlalaro mula US at Europe sina World champion Jasmin Ouschan ng Austria, Vivian Villarreal ng US at Kelly Fisher  ng England na team captain ng koponan.

Sa kabilang banda, ang 19-anyos na si Siming Chen ng China na dati ring World champion at number one player sa mundo ang kinuha para kumpletuhin ang Team Asia.

Makakasama niya sina team skipper Ga Young Kim ng Korea, Pei Chen Tsai ng Chinese Taipei at Filipina bet Rubilen Amit.

Ang kompetisyon ay tulad sa Ryder Cup sa golf at ang format ng laro ay 10-ball.

Unahan sa 10 panalo ang mangyayari at ang aksyon ay inilagay sa singles, doubles, triples at 4-on-4.

Sakaling umabot sa 9-all ang labanan, ang deciding game ay paglalabanan sa 4-of-4.

 

vuukle comment

CHINESE TAIPEI

GA YOUNG KIM

JASMIN OUSCHAN

KELLY FISHER

MAKAKASAMA

PEI CHEN TSAI

QUEENS CUP

TEAM ASIA

TEAM EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with