Blue Thunder UCAA champ
MANILA, Philippines - Pumukol ng pitong puntos si Rennel Montecillo sa huling 30 segundo para ibigay sa Rizal Technological University ang 66-62 panalo laban sa nagdedepensang kampeon Olivarez College at sungkitin din ang kamÂpeonato sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament kahapon sa RTU Gym sa Mandaluyong City.
Inilapit ni Franklin Mancio ang Sea Lions sa isang puntos, 59-60, sa huling 50.1 segundo pero tumugon si Montecillo ng isang jumper at dalawang free throws para lumayo sa lima ang Blue Thunder.
Huling pagdikit ay sa 62-64 sa isa pang tres ni EldÂridge Corpus pero naroroon uli si Montecillo na bumanat uli sa 15-foot line upang tiyakin ang panalo sa huling 7.3 segundo.
Si Jopet Quiro ang namuno sa RTU sa kanyang 22 puntos para kunin din ang MVP sa liga.
- Latest