^

PSN Palaro

Letran iaalay ang laro kay Dysam ‘di bibitiw sa itaas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

4 p.m. Letran vs Arellano

6 p.m. Lyceum

vs St. Benilde

MANILA, Philippines - Mula ngayon ay iaalay ng Knights ang kanilang mga laro para sa nabaril na si pointguard Franz Dysam.

Pupuntiryahin ng Letran College ang kanilang pang anim na sunod na panalo sa pagsagupa sa Arellano University ngayong alas-4 ng hapon sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa Pasay City.

Matapos ang kanilang 61-53 paggupo sa Lyceum Pirates noong Sabado ay pinagbabaril naman ng isang riding in tandem si Dysam at ang nobya nitong si Joanne Sordan sakay ng kotse habang papauwi.

Anim na tama ng bala ang natanggap ni Dysam sa pagtatakip ng kanyang katawan kay Sordan na namatay habang isinusugod sa ospital.

Hindi naglaro ang 5-foot-7 na si Dysam noong na­karaang NCAA season dahil sa natanggap niyang death threats.

“The member schools of the NCAA have always held the welfare of their students with utmost importance. It is in this regard that we join Colegio de San Juan de Letran community in seeking for the immediate resolution of the case and praying for the speedy recovery of Franz. We also extend our condolences to the family of Ms. Joanne and pray for her repose,” wika ng NCAA sa kanilang official statement.

Kasalukuyang tangan ng Letran ang liderato mula sa kanilang malinis na 5-0 record kasunod ang three-time champions San Beda (5-1), Perpetual (5-1), San Sebastian (4-2), Jose Rizal (3-3), Lyceum (2-3), Arellano (2-3), Mapua (1-5), Emilio Aguinaldo College (1-5) at St. Benilde (0-5).

Nanggaling naman ang Chiefs sa isang 66-73 pag­yukod sa Altas noong Hulyo 18.

Sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi ay magta­tagpo naman ang Lyceum at ang St. Benilde.

vuukle comment

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

DYSAM

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANZ DYSAM

JOANNE SORDAN

LETRAN

SAN JUAN

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with